Courtship 5: Why Wait?

Yey! Eto na yung panlimang installment ko para sa pagsulat ko about courtship. This is the first time sa series ko na sinulat ko ng taglish. And I think this is the last installment. 🙂 Kung may isusulat man ako about courtship, connected na siya sa next ko na kakastart pa lang, about MANHOOD. 😀 Kung binabasa mo yung mga pinagsususulat ko, salamat talaga! You encouraged me to write and to improve it.

So, let us start na. Nagsimula tayo sa pagtalakay kung ano ba ang standards ni God sa courtship. Yung first part was all about focusing not on the relationship making stage but on the time that will be used for God for each own growth. After that, I discussed that sa bawat relationship na pinaghahawakan natin, hindi lang sa pakikipagrelasyon in a romantic way, we need wisdom so that every decision will not be guided by our sinful tendencies but it will be guided by God’s perfect plans for you. The third one is about having patience in order to be in the growing stage, and eventually finding yourselves in the “waiting sheds” of wisdom and godly commitment. And finally, the latest installment is about having the guts and resiliency especially that the road to courtship and marriage are full of enjoying events yet it can be too destructive for the individual or the couple.

This last installment will talk about the reasons why we should wait. And isasama ko na rin yung personal insights ko. Para siguro makilala niyo na rin ako. Haha. :))

Oo nga, bakit nga ba nating kailangang maghintay? Bakit ba laging sinasabi ng parents mo na kapag may trabaho ka na, you can do all what you want especially when it comes to these things? Ako dati nagtataka. Nagkaroon naman na kasi ako ng girlfriend at lagi ito ang sentro ng debate namin ng magulang namin. AND, I will always say na kaya kong panindigan ang pagmamahalan namin, kaya kong ipagpalit lahat para sa kanya, and kung ano ano pang kacheezihan. Pero I was immature back then. I was a kid. I am just 14-16 yrs. old when I am saying those things. So without going too much on the specific details, alam na kung ano nangyari sa relationship. Ayun, wala na. 🙂 It just lasted for about 3 years. And it ended in a bitter manner.

Everyone maybe shares the same story about a certain romantic relationship when you are young. Some of you may have a different story. Puwedeng mas light, puwedeng mas grave. Pero ano ba ang makukuha nating mga kabataan sa mga istoryang ganito? Panyabang? Panlibang? Actually, ayaw ko talaga basta basta ishare ang mga ganitong bagay. But we can get something from this kaya I am narrating. I just want to say that God will not give what is good for you

WHAT?! He will not give good things on me? On you? SA LAHAT NG TAO? OO! Bakit?

Kasi He will give what is BEST FOR YOU. Not just best pala, BESTEST pa! HAHA! Korni.

Pero yun nga, we just have to wait for it. The problem is that we are living in a moving world. Lahat ng bagay, nadadaan sa mabilis. Kaya nga gusto natin ng high-speed internets, high-speed cars, high-speed computer processors. Gusto rin ng iba ng bagay na nakakahigh. Pero ayoko ah. HAHA!

Pero you want to settle for a fastfood? Gusto mo ng chickenjoy lang. Yung punong puno ng MSG? Yung pagkaing nabebenta lang sa kalsada? Oo, alam kong masarap ang isaw. Pero kung papipiliin ako kung angus sirloin steak or isaw, a baka dun na ako sa steak.

Eh kaso mabagal iprepare ang fine dining food. Maraming proseso, maraming sidenotes.  Mahal. Daming kiyeme. Parang pakipot. Nakakainip. Sayang oras. PERO, WORTH IT. Masustansya. Sulit. Nakakabusog. Nakakabigay ng contentment. Same with courtship. Dalawa lang yan eh. Pag-ibig na mapusok o Pag-ibig na Nakakabuhay. Ahii. Pero oo nga. A LOVE THAT EXISTS IN A WORLDLY MANNER VS A LOVE THAT EXISTS IN GOD’S TIME.

Ano ba ang mangyayari pag marunong ka maghintay?

Uno: You will grow. Sabi ko sa Courtship 3: Jeepney Stop, waiting will give us three things that will make us grow: Maturity, Endurance and Faith. You will need these when you court/courted by someone. Maturity brings you a sound mind that will help you in dealing with problems and big decisions. Endurance will make you resilient and unshaken in times of crisis and uncertainty. Faith will make an individual or a relationship a 3-part string, which will make you unbreakable.

Dos: Makes you feel it was worth it. It is like yung nasa football match ka and after 30 minutes, nakagoal ka. Tapos nanalo team mo dahil nakagoal ka. Kaysa nakagoal ka after 3 seconds, nanalo parin kalaban. Tambak pa kayo. Ng mga 10 points. (WALA PONG KINALAMAN ITO KUNG SAAN AKO NANGGALING NA SCHOOL HA)

Tres: It will make you closer with God. Marahil, bilang isang Kristyano, nasabihan ka na ng ganito: Love someone who keeps God his/her top priority. Yung taong mas mahal si God kaysa sayo. Being with God strengthens your ability to trust. Being with God widens your scope of wisdom. Being with God brings you to the right man or woman. In short, di ka talo kay God. Nakajackpot ka pa. Di ka na nafriendzone, nagkaroon ka pa ng development. At aba, mas gusto ko to kesa magkaroon ng T-Shirt. Hihi.

Kwatro: Last na. It will make your heart secure, pure and whole. Yung kaya mo ibigay ng buoang sarili mo sa isang tao. Yung hindi lang kalahati kasi yung rest, nabigay mo na pala sa sampung ex mo. Atsaka, sobrang happy nun. Sino bang hindi magiging masaya pag makulay ang story ng lovelife mo? Diba? At sino naman dito ang gusto ng lovelife ng tulad ng sa mga napapanuod natin sa mga telenobela ngayon? Yung magulo? Ako ayaw ko nun haha.

_____
Tandaan, sa mga lalaki, you court someone because you want to serve her, not to make her your prisoner. Yung gagawin mo lahat ng ways to make her smile. To lead her with your walk with God. Sa mga babae, you are being courted sa future time because God knows that you are ready to be his helper. Hindi yaya ah. Talo kaya kaming mga lalaki pag wala ang mga babae. We will be lonely at kasama lang namin ay animals sa wilderness. Mahalaga kayo sa amin, you complement us.

And everything happens on God’s snap of a finger, not on man’s. Kaya dapat hinay hinay lang.Focus on God muna. Tapos (alam ko cliche na pero totoo namn eh), LET GOD WRITE YOUR LOVE STORY. Wag mo na siyang guluhin. Sige ka, dudumi yan. At ayaw natin yun. Pag dating sa love, walang matinong pambura na makikita sa mundo. Si Jesus lang ang makaka-edit niyan sa paraan na gusto niya. No need to worry. Siya na bahala. 😀

Salamat talaga sa pagbasa! Hope you are encouraged! 😀

…do not arouse or awaken love, until it so desires. ~ Song of Songs 8:4

Advertisements
Courtship 5: Why Wait?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s