Lalaki, Bakit Ka Nagpi-PMS?

Noong simula ng magkaroon ako ng muwang sa mga bagay bagay tungkol sa pag-ibig, iniisip ko na okay lang na magkaroon ng partner as long as mayroon ako nung tinatawag na Physical Purity. Ito ang estado kung saan okay lang na magkaroon ng emotional ties sa opposite sex basta ba, hindi ka aabot sa point na makakacommit ka ng “kasalanan.” Tama ang iniisip mo. Sabihin na nating ang mga kasalanang kailangang iwasan para sa akin nung hindi pa ako nagkakaroon ng katinuan sa pakikipagrelasyon ay ang mga sumusunod: torrid kissing, touchy hugs, intimate holding hands, o mga aksyon na maaaring magdala sa dalawang tao sa isang matinding pangyayari, sa maikling salita, pre-marital sex.

Magkaroon na ng dyowa wag lang maging masyadong magalaw. Iyan ang motto ng karamihan sa kalalakihan sa modernong panahon ng internet at teknolohiya. Sinasabi rin sa panahon ng mabibilis na bagay, okay lang na gawin lahat ng magkasintahan, basta ba, use protection at walang gawaan ng anak. Pero sasabihin ko sayo, pag bumagsak ka sa emosyunal na salik, malamang, malapit ka ng bumagsak sa pisikal. Pag masyado kang naging emosyunal, magkakapisikalan na. Tignan mo yung nag-iinuman, pag nagkalasingan na, at nagkaasaran, sapakan na ang kasunod. Kapag bumigay ka sa kasalanan, ALAM NA ang susunod.

Ngunit sapat bang protektado tayo sa ating pisikal na katayuan? Dapat ba ay tinetolerate natin ang sobrang PDA at landian? Dapat ba na sabihing, “ang kill joy mo ha? Uso na pre-marital sex. Bakla ka if you haven’t experienced the ‘joy.’”

Sa mga sasagot ng oo, maaari niyo bang ipaliwanang kung bakit andaming batang nasa kalsada? Kung bakit maraming kababaihang nawawalan ng dangal? Sabagay, pag naipit ang lalaki sa ganitong mga sitwasyon, partikular na ang pagkakaroon ng anak sa maagang yugto ng buhay, tatawagin ka pang “MACHO” o di kaya, “ASTIG.” Tapos sasabihin mo, RH Bill ang sagot sa lahat?

Maiba lang tayo ha, pabor ako sa RH bill. Pero gusto kong magkaroon ng choice ang MAG-ASAWA. Uulitin ko, MAG-ASAWA. Kahit kelan, di ko nakikita ang RH Bill bilang excuse ng mga kabataan o sabihin nating magkasintahan para gumawa ng kahindikhindik na bagay bagay.

Kawawa naman ang manganganak at magiging anak niya. Kung ikaw sana ang makakaramdam ng sakit, sakit na hindi lang dulot ng panganganak, ngunit sakit na dulot ng stress at mapanghusgang mga mata ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Masakit. Pero di mo randam ang sakit. Kasi lalaki ka. Inisip mo ba na respetuhin siya?

Kaya para sa akin, mahalaga talaga na mayroon ka ng matatag na katayuan bago ka mag-“upgrade” ng civil status. Kahit saan namang aspeto ng pamumuhay eh. Okay na magkaroon ng respeto, hindi naman mahal ang respeto. Kaydaling magbigay ng respeto sa kapwa, lalo na kung nirerespeto mo ang iyong sarili.

Lalaki ka, ginawa ka para maging lider, hindi para manira ng buhay ng ibang tao. Hindi lang ang kasintahan mo ang sinisira mo, pati pamilya niya, angkan niya, at pati na rin ang Pilipinas. Higit sa lahat, sinisira mo ang misyon na ibinigay sayo ng Diyos. Bilang lalaki, tayo ang pangunahing dapat mag-aalaga sa mapapangasawa natin, hindi mga charity, hindi si nanay, hindi si tatay, at lalong hindi ng mga kaibigan natin.

At hindi excuse ang paniniwala mong walang Diyos. Kung sinasabi mo na biyolohikal na natin itong komposisyon, di ako sasama sayo. Ano ka ba, ayaw kong ibaba ang sarili ko sa mga hayop sa kalikasan. Pasensya na sa mga animal lovers diyan ha, pero kahit papaano ay mataas naman tayo kaysa sa mga hayop.

Hindi rin excuse na sasabihin mo na “Eh yung babae ang nagsimula, siya ang nagpaspark.” Please lang. Lider ka nga eh. Wag na nating gayahin ang mga nangyari kay Adan at Eba, WAG NATIN BASTA BASTA SISIHIN ANG MGA KABABAIHAN. Sino ba ang nagsabi ng oo? Puwede namang sabihing hindi diba?

At last, hindi rin excuse na mahal na mahal mo siya at hindi mo naman siya iiwan. Marami na ang nagsabi niyan. Marami na rin ang hindi nakaraos at iniwanan nalang ang di dapat iwanan. Mahirap magkaroon ng pamilya. Dahil sa nahihirapan ka, susuko ka. Lalo na sa Pilipinas ngayon, mahirap maghanap ng trabaho at disenteng pamumuhat.

Eh ano ba dapat gawin?
Sabi ko nga, RESPETO, respetuhin mo ang mga kababaihan, respetuhin mo ang kanilang mga magulang. Malamang respetuhin mo ang iyong magulang, pards, iyang pinapang-date mo, dugo’t pawis yan nila yan. Gamitin mo sa mabuting bagay. O kung ayaw mo akong sundin, magpaalam ka naman sa magulang mo at sa magulang niya kung saan kayo pupunta, na iuuwi mo siya sa ganitong oras, at ibabalik mo siya sa magulang niya kung ano siya nung umalis kayo at lumabas.

Be a GENTLEMAN. Ang gentleman, magaling maghintay yan. Marunong ding mag-hindi. At hindi lang basta “hindi,” yung HINDI! AS IN MAY CONVICTION! 😀 Di mo kaya? Andaming taong nagawa naman ito. At di naman sila namatay. Yumaman pa nga yung iba. HINDI MASAMANG MAGING GENTLEMAN. WE ARE WILD, BUT YET WE SHOULD BE GENTLE.

Panghuli, dahil isa akong Kristyano, LOVE LIKE THE BOSS. Love like He loved you. Basahin mo yung 1 Cor. 13:1-13. Binigyan ka na ng manual pano magmahal. Love is patient ika nga. Hihintayin mo siya. Hihintayin mo ang tamang oras. Kung TUNAY KANG LALAKI, kahit labag sa sinasabi mong biyolohikal na komposisyon ng tao, KAYA MONG SUNDIN SI BOSS. PAG HINDI, HINDI. PAG OO, OO. PERIOD.

BILANG LALAKI, DAPAT KANG MAGING TUNAY NA LALAKI. LIDER. MAAASAHAN. MAY SENTIDO KUMON. MAY TAWAG NG RESPONSIBILIDAD. MAY PANININDIGAN. YAN ANG TUNAY NA MACHO.

Advertisements
Lalaki, Bakit Ka Nagpi-PMS?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s