Courtship 7: Last Will – Para sa mga Lalaki

Hello mga people! ๐Ÿ™‚ Salamat sa pagbasa ng courtship series ko! ๐Ÿ™‚ Sobrang naapreciate ko ang mgacomments, personal message, at directions para mas mapabuti pa ang aking pagsusulat, at para magkaroon pa ako ng insights. Marahil ay may bias ang aking mga sinusulat, bilang ako ay isang lalaki, pero kayo ay makasisiguro na ang mga sinusulat ko ay mula kay God, at ito ay para rin sa Kanya. Muli, salamat sa pagtutok, pag-sang-ayon at pag-criticize ng mga sulatin ko, at ngayong tatapusin ko na ang series, sana ay malaman ninyo na ang problema sa pag-ibig ang isa sa mga kinakaharap ng mga tao lalo na ng mga kabataan ngayon. Maraming sawing puso na kailangang isalba, at ito ang naging inspirasyon ko para magsulat tungkol sa panliligaw o sa pag-ibig in general. Ang magiging last will ko ay hahatiin ko sa dalawa, isa para sa mga lalaki, at isa para sa mga babae. So eto na, sisimulan ko na! Salamat! ๐Ÿ˜€

___________________________

“Grabe, itong sugat sa puso ko, ano to eh, galing kay Andrea, nung binasted niya ako! Pero okay lang, may Riza pa ako, siya naman sa susunod na linggo!”

Normal na sa mga kalalakihan na ipagyabang ang mga kasawian niya sa pag-ibig. Kaya nga, para sa marami, macho daw ang mga lalaking papalit palit ng kasintahan. Yung maraming dyinodyowa.

Kunsabagay, di mo rin masisisi ang ganitong pag-iisip. Tulad nga ng napag-usapan namin sa small group kanina, marahil ang mga kalalakihan noong nakaraang mga siglo ay ganito mag-usap:

P1: Pare, itong peklat ko, nakuha ko to kay Augustus, yung heneral ng isang tribo! Pero look at me! Buhay pa me!
P2: Weak pare, ako kay Sigmund ko nakuha tong peklat ko sa ulo, dala dala niya yung malaking spada, pero tignan mo, may pag-iisip pa rin!

Natural na sa mga kalalakihan ang wild, ang ma-adventure, ang mayabang. Nasa genes na yan.

Ngunit, pagdating sa pag-ibig, ang kulturang ito ay dapat basagin.

Dahil kung ang lalaki, masaya sa peklat, ang mga kababaihan naman ay hindi. Marahil ay nakakita ka na ng ganitong scenario:
B1: EEEEW! May sugat is so laki, therefore, pangit pag nagkascar! Gonna put some sebo de macho after it make labas labas na!
B2: Waaaah. I have pimples in my pisngi, it is so like laki! Kailangan ng tanggalin!

Hindi ko naman nilalahat ang mga babae sa example. Pero in general, ayaw ng babae ang nasasaktan, ayaw nilang napepeklatan and this is much more evident sa buhay emosyonal. Kaya nga, ang babae, pag nasasaktan, pupunta sa isang sulok at i-iiyak ang sama ng loob.

So ano ang punto ng pag-introdyus ng mga peklat sa last will na ito?

Mga kalalakihan, isaisip ang limang puntong ito:

1. Ang tunay na lalaki, hindi naglalatay ng peklat sa puso ng babae. Inaalagan niya ang babae. Hindi niya niloloko. Oo, marahil ay kayang kaya mong lunasan ang peklat mo pero pag babae ang nalalagyan, kadalasan matagal ang paghihilom. Be sensitive. Kahit na di mo kasintahan at kahit simpleng pakikipag-usap lang. Always use your brain and not your mouth. Kaugnay nito, stick to one na pards. Kahit na hindi mo pa siya nakikita, sa dahilang maaaring hindi pa siya nirereveal ni God sayo, wag ka ng makipagflirt. Keep your heart pure until you find the one. Para pag kinasal ka na, mapagyayabang mo sa friends mo na, IM FAITHFUL. Pag sinabi mo sa akin yun, sisigawan pa kita ng: C’MON!

2. Ang tunay na lalaki, kahit na narerebuke, kahit na nasasaktan dahil tinatama ang nakagisnang “kultura,” handang ipagyabang sa mundo na ang peklat na nasa puso niya ay tanda ng pagbabagong buhay. Wag matakot macorrect. Sa lahat nga na dapat matapang ang isang lalaki ay sa oras na kinakailangan niya ng pagtatama. Kung medyo nakakabastos na ang ginagawa sa babae, be ready na mapagsabihan ng isang nakakataas o isang taong may concern. Magkaroon ng sense of responsibility, dahil pag wala ka pa niyan, wala ka pang karapatang manligaw. Itinatama ka para sa isa pang malaking responsibilidad na kakaharapin mo sa hinaharap.

3. Ang tunay na lalaki, pinoprotektahan ang babae. Walang feminist dito sa statement ko. Bakit? Kasi nakadisenyo talaga ang mga lalaki para protektahan ang mga mahahalaga sa buhay nila, ang mga babae. Kung walang babae, walang nanay ang lalaki para mag-alala pag nagkasakit ang anak, walang asawang tutulungan ang mga husbands nila sa pagtahak ng isang kasal na buhay. At kung ako din ang tatanungin, mukhang mahirap na ang nakikita lang ng mata ko sa pang-araw-araw ay puro kalalakihan. Mahirap mamuhay sa mundo na kapareho mo ang tikas, ang pag-iisip at ang kilos. Women are here to complement the men. “Inspired by Adam’s sadness” ang peg kaya binuo si Eba. Kaya mga lalaki, laging tatandaan na hindi natin alipin ang mga babae, sila ay mga reynang kailangang hindi dapat sinusugatan, hindi sinasaktan. Ang mga lalaki ang bodyguard, not the other way around. Atsaka, bilang protektor, pinoprotektahan ng lalaki ang puri ng babae. Hindi ito isang basta-bastang bagay na sinasayang lang. Treasure the women, kasi, they deserve to be treasured.

4. Ang tunay na lalaki, hindi nagdedesisyon ng basta-basta. Dapat wais, dapat may conviction. Ang oo ay oo at ang hindi ay hindi. Pero hindi istrikto, kelangan may konsiderasyon. Basagin ang kultura at sterotype sa lalaki bilang: sumasagot ng iling, “bahala na,” tahimik, at macho pag maraming babae. Ang kultura, na sadyang naimprint na sa mga lalaki ay maaari pa ring maiba. Kailangan ng isang salita. While men are made to be wild, they are also made to be gentle. Tignan mo na lang si Hesus, isa siyang modelo ng isang pogi, isang kaaya-ayang lalaki. At tutungo tayo sa panlimang punto.

5. Para mabasag ng lalaki ang kulturang binigay na ng mundo, para maging open ang lalaki, para maging protektor ang lalaki, para maging mapagmahal ang lalaki, kailangan niya ang Diyos. Ang Diyos lamang ang magbibigay ng pagbabago sa isang tao. Ang taong walang konsepto ng Diyos at pilit na nag-NewNew Years Resolution ay hindi pa rin nagbabago, o hindi pa rin nakukuha ang tunay na kalayaan sa bisyo at kasamaang kinakasangkutan niya. Ang lalaking sadyang inuuna ang pagmamahalan nila ng Diyos ay ang mga taong mapagkumbaba, taong may respeto, taong may sentido ng responsibilidad, taong mahinahon at taong “submitted.” Hindi niya kailanman iisipin na mataas siya o boss dahil may Boss siya. At yun ay wala ng iba kundi ang Diyos.

Sabi nga sa Proverbs 4:23, “Above all else, guard your heart, for it is the wellspring of life.” Hati-hatiin natin. ABOVE ALL ELSE, ibig sabihin, nakakahigit, matinding utos/suggestion. Sa lahat ng bagay, unang kinokunsidera. GUARD YOUR HEART, wag basta basta go ng go, kailangan, may assessment. Hindi lamang sa buhay pag-ibig, pati na rin sa pakikipagkaibigan, sa pananalapi, sa pakikipag-interact sa iba. Di ka bigay ng bigay, hindi ka rin kuha ng kuha. Be a good steward ng mga puso natin. IT IS THE WELLSPRING OF LIFE, ang mga puso natin ay may buhay. Kung ano ang inilalabas natin, kasama na ang buhay natin dun. Wag hayaang maubos. Laging pumunta sa Provider na laging irerefill ang wellspring. Huwag na huwag kang aalis. Dahil sa oras na ginawa mo yan, masasaktan ka dahil mauubusan ka ng “Source of Life”

Hindi pa huli na baguhin ang isip. Kung ikaw ay manliligaw at plano mi talagang pakasalan ang babae, isipin ang mga tanong na ito:

1. Kaya ko bang pagsilbihan ang babae? Yung ako lang ang nagsisilbi at walang tulong mula sa magulang?

2. Nagawa ko na ba ang mga dapat kong gawin bilang single? May naipon na ba ako para makabuo ng isang pamilya?

3. Matino ba ako? Mapoprotektahan ko kaya ang babae? Kaya ko bang basagin ang kultura ng mga loko-lokong lalaki?

Kung nasagot mo ng oo ang lahat, pwede na, mga 20 percent. Pag hindi, pagnilay-nilayan pa, baka naman kasi oo ang sagot mo sa huling tanong:

4. Ito ba ay laan ng Diyos para sa akin? Nai-open ko na ba ito sa aking mga mentor at evident naman ang growth niyo bilang couple? Talaga bang nai-counsel ko na kay God ang sitwasyon ko? Hindi ba ako nadadala ng emosyon? Kaya ko bang panatilihin ang puri ng magkabilang partido? Hindi ba kami magiging exclusive ? Magiging mas open ba kami sa mga kaibigan at mga mentors?

Maraming kailangang ikunsidera. Dahil lalaki ka, malaki ang parte mo sa desisyon. Hindi ka dapat mahina. WILD KA AT MALAKAS! Higit sa lahat, may Diyos kang mapupuntahan. At sa kanya ka dapat kumuha ng kalakasan.

Advertisements
Courtship 7: Last Will – Para sa mga Lalaki

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s